Maaari mo nang balikan ang iyong Concept Cluster sa simula ng Modyul na ito, Isulat sa bahaging Revised Answer ang mga kaalamang naiwasto sa iyo dahil naisakatuparan mona ang mga gawain. Pagkatapos mong mapagtagumpayang sundin at gawin ang lahat ng mga gawain sa Modyul na ito ay maaari mo na ring isulat sa bahaging Final Answer kung ano- ano ang iyong mga natutuhan sa mga naging kaganapan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya .
Binabati Kita! Ngayon ay natapos mo na ang pag-unlad ng iyong mga kaalaman sa Aralin.
Batid kong may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga dahilan, pamamaraang ginamit at epekto ng pagpapakita ng nasyonalismo sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Nakasisiguro akong handa ka na sa susunod na bahagi ng Modyul na ito, upang mapagnilay at maunawaan pa ang tungkol sa paksang ito.
To each eye the outlines of a great civilization present a different picture. In the wide ocean upon which we venture, the possible ways and directions are many…and lead to essentially different conclusions
Jacob Burckhardt