Nasyonalismo sa India
Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang malayang bansa.
Si Mohandas Gandhi ang nangunang lider nasyonalista sa India, ang
nagpakita ng mapayapang paraan sa
paghingi ng kalayaan.
Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles bilang among kolonyal ng India, ang mga likas na yaman nito. Dahil din sa pananakop ay naranasan din ng mga Indian ang mga patakarang para sa kanilang kultura ay di angkop . Tulad na lamang ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian sa mga Ingles ang di- pantay na pagtingin sa kanilang lahi. Ito ang naging dahilan upang maisagawa ang Pag-aalsa ng mga Sepoy. Minsang naipatupad ng mga Ingles ang di pantay na pagtrato sa mga sundalong Indian malimit ay mataas na ranggo at suweldo ang ibinibigay sa mga sundalong Ingles kaysa sa mga sundalong Indian na nasa mababang posisyon at suweldo. Tumutol din ang mga sundalong Indian,Hindu at Muslim sa pagpapagamit sa kanila ng langis na pinaghihinalaang nagmula sa langis ng hayop para sa paglilinis ng kanilang mga riple at cartridge. Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.

FEMALE INFANTICIDE pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga magulang pagdating ng panahon na ito’y mag-asawa.
REBELYONG SEPOY ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial discrimination.
AMRITSAR MASSACRE maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles.Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400 katao at mayroong 1200 na mga nasugatan.
“The first duty of a man is to think for himself”
― José Martí