IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre1939. Taong 1942 ,isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya. Mayo 1946 nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis .Itinuturing ito na unang di- pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng United Nations. Ito ang nagbigay- daan sa Cold War na kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra naman sa Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa.
Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang naapektuhan matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang laban ng mga taga- India para sa kalayaan ngunit naging daan ito upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang pangkat ang Hindu at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
Sa panig naman ng bansang Israel nangako ng kalayaan ang Britanya sa mandatong lupain ng mga Hudyo at Arabo. Kapwa umasa ang dalawang pangkat na magkaroon ng teritoryo. Maraming Hudyo na nagmula sa ibat ibang bahagi ng Europa matapos ang digmaan ang nagpunta sa Palestina na itinuturing nilang lupang kanilang pinagmulan.Hinangad ng mga Hudyo na magkaroon ng sariling lupa sa Palestina na maaari nilang matawag na bansa. Tinutulan ito ng mga Arabong nag- aangkin ng kabuuang Palestina sa dahilang napakaraming taon na itong naging tahanan ng kapwa nila Arabo. Simula nang suportahan ng Britanya ang Israel para sa pagtatatag ng sariling estado hindi na ito napayapa dahil para sa mga Muslim ang pagsuportang ito ay nangangahulugang hadlang sa pagtatatag naman ng isang malayang lupain ng mga Arabo.
Maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya, pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang inaasahang pagkakamit ng kalayaan ng mga bansa sa Asya sa Timog at Kanlurang Asya.