Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sa kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng mga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pag-respeto sa kanilang paniniwala at mga tradisyon.
Ang mga babasahing Hindoo Patriot, Amritza Bazar Patrika, at Bengalee na nailathala noong 1870 ay nagsulong ng mga repormang gaya ng pagsasarili ng pamahalaan para sa India.
Ang passive resistance at civil disobedience ay ang mga pamamaraang ginamit ni Mahatma Gandhi upang isulong ang kalayaan ng India laban sa mga Ingles.
Si Muhammad Ali Jinnah ang naging unang Gobernador-Heneral ng Pakistan at si Jawaharlal Nehru ang naging unang Punong Ministro ng India.